ALAMAT NG ORASAN
POV
Hello po, ako po pala si Ernest. Mayroon po pala akong inihandang alamat para sa inyo. Ito po pala ang Alamat ng Orasan. Sana po ay masiyahan kayo pagkatapos niyo pong basahin ang kwentong ito. Salamat po.
ALAMAT NG ORASAN
Noong unang panahon, may isang pamilya na taga Holy Redeemer na walang pakialam sa oras.Ang pamilya Roces, ang pangalan ng ina nila ay si Rose Ann at ang pangalan ng ama nila ay si Orlando.Silang dalawa ay napakatagal matulog , minsan pa nga halos buong araw silang matulog. Ang mga anak naman nila ay sina Lory, Jane, Alyssa ,Kim, Jewel, Janine, John, Nicholas, Dwayne, Kevin, Roy at Asher.Si Asher ang bunso at si Lory naman ang panganay. Silang magkakapatid ay hindi gumagawa ng takdang aralin sa takdang oras at napakatamad gumawa ngmga gawaing bahay.Isang araw, may isang diwata ang bumisita kay John.Sinabi ni John"Sino ka, ano ang pakay mo dito". Sinabi naman ng diwata ay "Ako si mary, ako ay naliligaw, pwede mo ba akong tulungan". Dahil lakwatsero si John alam niya kung saan ang sinasabing lugar ng diwata, sinamahan niya ito papunta sa lugar na sinabi ng diwata. Hindi niya alam na ang diwatang yon ay dadalhin siya sa San Vicente, ang lugar na puno ng kababalaghan. Lahat ng taong nagsubok na pumasok ay hindi na nakalabas. Ang tunay na pangalan nya ay si Mary Engkantada. Kinaumagahan, nang gumising sila ay hindi nila nakita si John,sila ay nagtaka kung nasaan si John. Sila ay pumunta kung saan saan sa Butuan city pero hindi nila nakita si John. Nagpahinga muna sila sa Robinsons. Sila ay pumunta sa San Vicente.Hindi nila alam na may nagbabadyang panganib doon sa San Vicente.Pagpunta nila doon ay nakita nila agad si Mary Engkantada.Alas 3 na ng hapon at ginawa na niya ang dapat niyang gawin. Pinarusahan ni Mary Engkantada ang pamilya roces at sila ay naging orasan. Sa wakas ay hindi nila nailigtas si John at sila ay naging orasan. Sinisimbolo ng 12 numero sa orasan ay ang mga magkakapatid at ang 2 kamay naman ay sumisimbolo kay Rose Ann at Orlando.
Comments
Post a Comment